Saturday , February 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Utak sa Enzo Pastor slay, may kaso pa

082914 enzo pastor suspects

INIUTOS ng Department of Justice ang pagsasampa ng kasong illegal possession of firearms laban sa itinuturong mastermind ng pagpatay kay international race champion Enzo Pastor na si Domingo “Sandy” De Guzman.

Maalala, idinaan sa hiwalay na inquest proceeding si De Guzman para sa naturang kaso makaraan mahulihan ng caliber .45 pistol sa entrapment operation.

Si De Guzman ang sinasabing nagbayad ng P100,000 sa self-confessed gunner na si PO2 Edgar Angel upang patayin si Pastor.

Nang mahuli ay nakatakda sanang ibigay ni De Guzman ang P50,000 bonus kay Angel.

Sina De Guzman at Angel ay una nang sinampahan ng kasong murder at frustrated murder.

Love triangle ang nakikitang motibo sa krimen makaraan mapag-alamang may extra marital affair si De Guzman sa misis ni Enzo na si Dahlia Pastor na pinaghahanap na ngayon makaraan sampahan ng kasong parricide at frustrated murder.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Money Bagman

Sa flood control projects scandal
347 katao nais ng paliwanag sa nag-leak na kopya ng draft partial report

UMABOT na sa 347 indibiduwal ang co-signatories at naghain ng Petition for Full Disclosure ng …

Arrest Caloocan

Most wanted na magnanakaw sa Bulacan naaresto sa Caloocan

MATAGUMPAY na naaresto ng Provincial Intelligence Unit ng Bulacan Police, katuwang ang Bulacan 1st Provincial …

San Jose del Monte CSJDM Police

2 rapist sa CSJDM timbog

MATAGUMPAY na naaresto ng mga operatiba ng San Jose del Monte City Police Station (CPS), …

Dead Rape

Siklista natagpuang patay sa Cavite memorial park

NATAGPUANG patay ang isang cyclist sa parking area ng Divine Mercy Memorial Park sa Brgy. …

Gun Fire

Mayor ng Surigao del Sur, aide sugatan sa ambush

SUGATAN ang alkalde ng Barobo, Surigao del Sur at kanyang close-in security detail nang paulanan …