Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Car bomb nasakote 4 ‘terorista’ arestado (Full alert sa NAIA)

090214 nbi car bomb
INIIMBESTIGAHAN ng National Bureau of Investigation – Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) ang lider (kaliwa) ng apat hinihinalang teroristang naaresto sa nasakoteng car bomb sa parking area ng NAIA Terminal 3 kahapon. (BONG SON)

APAT katao ang naaresto makaraang masamsaman ng improvised explosive devices (IED) sa kanilang sasakyan habang nasa parking area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, kahapon.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Jose Angel Honrado, ang apat na suspek ay nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) makaraang arestohin sa loob ng puting Toyota Revo na may plakang WMK 129 sa loob ng Parking B ng Terminal 3.

Base sa report, nahuli sa akto ang apat na suspek habang inaayos ang IED.

Walang ibinigay na pangalan ng mga suspek ang mga awtoridad dahil kasalukuyan silang nagsagawa ng follow-up operations.

Hindi rin sinabi ni Honrado kung gaano karami ang natagpuang IED sa loob ng sasakyan.

Nagpahayag naman si Honrado na ligtas ang lahat ng NAIA terminals sa ano mang uri ng pagsasamantala.

“The MIAA authority assures the public that NAIA Terminal 3 and all other terminals remain safe and airport security personnel continue to stay vigilant in their respective areas,” ani Honrado.

Dagdag niya, suportado ng MIAA ang lahat ng pagsisikap ng law enforcement agencies ng pamahalaan “towards protecting lives and properties from people or groups who want to instill havoc and disturb to peace and order in the country.”

Samantala, sanhi sa bomb-scare, naalerto ang airport security forces makaraang isang buddy bag ang natagpuan sa terminal 1 arrival area kahapon.

Pero matapos ang masusing pagsusuri na ginawa ng aviation bomb disposal unit mula sa Philippine National Police, ang bag ay negatibo sa pamapasabog.

Kaugnay nito isinailalim na sa full alert status ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang buong Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Complex.

Sinabi ni NCRPO Director Chief Supt. Carmelo Valmoria, mas lalo nilang hihigpitan ang seguridad sa loob at labas ng NAIA partikular sa Terminal 3 makaraan apat na lalaki ang nadakip ng mga operatiba ng NBI.

Nakakompiska ng isang galon ng gasolina at hinihinalang pampasabog sa naarestong mga suspek na inaalam pa ang pagkakilanlan at nakakulong na ngayon sa headquarters ng NBI.

ni Gloria Galuno
(May kasamang ulat ni JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …