Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dito Sa‘King Piling album ni Tyrone, inilunsad na

083014 tyrone oneza

00 SHOWBIZ ms mUSAPANG album launching pa rin tayo. Bago ang album launching ni Marissa, naunang naglunsad ng kanyang album si Tyrone Oneza, ang Dito Sa ‘King Piling na siya ring carrier single at nilikha ng respetadong composer na si Vehnee Saturno at ipinrodyus ng TYJ Records.

Para sa kaalaman ng marami, bukod sa pagiging recording artist, matagumpay na negosyante at product endorser din si Tyrone ng mga produktong Mega C Vitamins, Aqua Clean Water Purifier and Mineral Water.

Taong 1987 pa nagsimula ang career ni Tyrone bilang isang artista sa pamamagitan ng pelikulangRebelde, sa ilalim ng Buffalo Films. Pagsapit ng dekada 90, nagkasunod-sunod na ang paggawa niya ng movie, kabilang dito ang Leroy-Leroy Sinta, Sumayaw Ka Salome at iba pa. Naging markado naman ang role na ginampanan niya sa pelikulang Siyempre Ikaw Lang, ang Syota Kong Imported.

Madalas naman siyang lumabas noon sa Lunch Date, That’s Entertainment, at ngayon sa Walang Tulugan ni Kuya German Moreno.

Matagal-tagal ding nawala si Tyrone sa showbiz at August last year niya napagpasyahang bumalik sa pamamagitan ng mga show tulad ng Men of Reel at shows abroad. Mula noon, naging aktibo na si Tyrone sa kanyang singing career at binuo na niya ang album na Dito Sa ‘King Piling.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …