Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toni, handa na ring magpakasal kay Direk Paul (Proposal na lang daw ang hinihintay…)

082814 direk paul toni

00 SHOWBIZ ms mMUKHANG masusundan pa ang magpo-prose ngayong taong ito dahil nagpahayag si Toni Gonzaga na handa na rin siyang magpakasal sa kanyang pitong taong nobyo na si Paul Soriano. Hinihintay na lamang daw ni Toni na mag-propose ang director. Kaya hindi totoong engaged na sila ng nobyo niya tulad ng matagal nang nababalita.

“Sabi ko, ngayon, kung darating ‘yong proposal, yayakapin ko ito ng buo at tatanggapin ko. Ngayon wala pa talaga. Akala ng iba oo, pero wala pa,” ani Toni sa Tapatan Ni Tunying na mapapanood bukas, Huwebes (Agosto 27).

Natanong si Toni kung anong edad nais niyang magpakasal, at naisagot nitong, “Nag-30 na ako ngayong taon. Pero hindi pa naman tapos. Malay natin baka sa katapusan ng taon. Nasa punto ako ng buhay ko na handang-handa  na ako sa susunod na kabanata ng buhay ko.”

Ilan lamang ito sa mga naisiwalat ni Toni kay Anthony Taberna, kaya tutok lang sa Tapatan ni Tunying bukas, Huwebes (Agosto 28), 4:00 p.m. sa ABS-CBN Kapamilya Gold para malaman pa ang ibang detalye ukol sa pagpapakasal at sa kanyang kapatid na si Alex.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …