ISANG post sa Facebook ang nakatawag ng aming pansin mula sa isa naming kolumnista na si Dominic Rea. Ito ay ang post naman ng aktres na si Berverly Salviejo ukol sa paghingi ng tulong para sa komedyanteng si Tiya Pusit.
Sa post ni Beverly ay humihingi ito ng tulong para sa pagpapagamot ni Tiya Pusit na ngayo’y nasa ospital at nakatakdang operahan. Narito ang kabuuan ng post ni Beverly.
“Sa lahat ng may mabuting pusong ibig tumulong at mag-contribute para sa operasyon ni Tia Pusit. Heto po ang contact number ng kanyang anak na si Christian 09328427295. Nawa’y makalikom sila ng sapat na halaga para matustusan ang operasyon. Malaking halaga po ang kailangan. Sabi po ng hospital ang stent na ikakabit sa puso ay mga 400-500K. May gagastusin pa para sa doktor, hospital, gamot, at dugo. Kahit ano pong halaga ay mahalaga sa kanila….”
Napag-alaman naming sasailaim ang veteran comedienne sa double bypass surgery kaya naman humihingi ang kanyang pamilya ng panalangin at donasyon. Sa Philippine Heart Center naka-confine si Tiya Pusit.
ni Maricris Valdez Nicasio
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
