KAMAKAILAN lang ay pinirmahan na ni Manila City Mayor Hon. Joseph Ejercito Estrada ang Executive Order No. 63 (series of 2014) na kumikilala sa Districts of Manila Federation of General Parents Teachers Community Association Inc. (DMFGPTCAI) bilang lehitimo at nag-iisang samahan ng magulang, teachers at komunidad na magri-represent sa 103 public schools sa SCHOOL BOARD ng Siyudad ng Maynila.
Matatandaang una nang kinilala ng Department of Education NCR ang DMFGPTCAI na lehitimong pederasyon ng mga magulang, teachers at komunidad pagkatapos na maisumite ng mga opisyales nito ang mga rekositos.
Sa pagkakataong ito ay binibigyan natin ng linaw ang isyu kung sino nga ba ang lehitimong samahang ng PTA at kung sino ang nagpapanggap lang.
Sa lahat ng pangulo ng GPTA ng 103 public schools, pinapayuhan nating makipag-ugnayan sa pamunuan ng DMFGPTCAI para hindi na magoyo pa ng mga nagpapanggap na opisyales daw ng samahang PTA.
Para sa kaalaman ng mga GPTA presidents ng 103 public schools, narito ang kompletong listahan ng mga opisyales ng DMFGPTCAI: President ROBERTO L. CASTILLO, Vice-President Alexander D. Soriano, Secretary-General Leonila F. Milan, Dep. Sec-Gen Mercedes S. Dayrit, Treasurer Ma. Cresencia D. Deuna, Asst. Treasurer Mercy R. Cruz, Auditor Alfredo L. Alejo, Asst. Auditor Col. Vicente F. Tan, Bus. Manager Alejandro L. Cruz, PRO Michael M. Biag, PRO Strauss V. Tugnao, Sgt. At Arms Caroline Sawali, Emiritus Madel F. Ygot, at mga Board Members na sina Jimmy Escala (Dist. 1), Arlene Tan (Dist. II), Roberto U. Diaz (Dist III), Penny Martinez (Dist. IV), Evelyn Amano (Dist. V) at Wilfredo Meniano (Dist. IV).
Alex L. Cruz