Sexy Leslie,
I am Jemar, ang inyong masugid na tagasubaybay, meron po akong GF pero bakit hindi ko pa rin maiwasang makipag-flirt sa iba? Anong dapat kong gawin? Have a good day po.
Playboy
Sa iyo Playboy,
Para sa akin, honestly, walang masama kung makipag-flirt ka man sa ibang babae as long as alam mo ang iyong limitations at hindi nakikita ng iyong GF. Pero if you really love your girl, mainam kung disiplinahin mo ang iyong sarili para iwas tukso at gulo.
Sexy Leslie,
Ako si Ronald, ask ko lang bakit kapag kasama ko ang GF ko ay hindi ko siya magawang halikan? Ano po ang gagawin ko?
Sa iyo Ronald,
Baka naman hindi siya kissable? Ayusin ang sagot! Just kidding.
Anyway, baka naman ikaw lang ang nagde-deprive sa iyong sarili na halikan ang iyong GF. Hindi kaya? Baka naman nasobrahan ka sa hiya kaya ganun. Isipin mo, tao rin ang iyong GF, kailangan niya ang iyong paglalambing at isa na rito ang halikan siya. Ikaw din, baka sa hiya mong ‘yan ay maghanap ng ibang hahalik sa kanya yang nobya mo.
Kaya mo ‘yan, good luck!