PAGBILAO, Quezon- Dalawang linemen ang patay at kritikal ang isa pa nang aksidenteng bumagsak ang Emergency Restoration Structure (ERS) tower ng National Grid Corporation habang kinukumpuni ang sirang linya sa Brgy. Ibabang Palsabangon, kamakalawa.
Matinding pinsala sa katawan ang sanhi ng agarang kamatayan ng mga biktimang sina Abel Saburao, 22, lineman, ng Puerto, Cagayan de Oro City at Jeffrey Rivera, 23, lineman, ng Brgy. Dapas, Tabango, Leyte.
Kritikal na ginagamot sa Jane Country Hospital sanhi ng bali sa buto at sugat sa katawan ang biktimang si Sandy Formentera, 29, lineman, ng Camotes Island, Cebu.
Nag-aayos ng sirang linya ang mga biktima nang bumagsak sa kanila ang ERS tower na pagmamay-aari ng National Grid Corporation.
Ni RAFFY SARNATE