Sunday , November 3 2024

Kelot namaril sa checkpoint todas sa parak

081014 dead gun crime

TODAS ang isang lalaki nang makipagbarilan sa mga pulis sa isang checkpoint sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala sa pamamagitan ng nakuhang driver’s license ang suspek na si Christian Cosian, 29, ng Murang St., Tondo, Maynila.

Si Cosian ay idineklarang dead-on-arrival sa Capitol Medical Center dahil sa tama ng bala ng baril sa katawan.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente sa kanto ng Aurora Blvd., corner Lantana St., Brgy. Immaculate Concepcion, dakong 11:30 p.m .

Nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng QCPD Station 10 Kamuning, sa pangunguna ng team leader na si Sr. Insp. Ernesto Santos sa lugar, nang sitahin si Cosian habang sakay ng Yamaha Mio motorcycle (3368-XR).

Ayon sa pulisya, nang lapitan si Cosian, agad bumunot ng baril saka ipinutok kaya gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa kanyang kamatayan. (ALMAR DANGUILAN)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *