TINIYAK ni Senator Alan Peter Cayetano na handa siyang magbitiw sa kanyang pwesto kapag napatunayang nagbulsa siya ng pera ng bayan.
Ito’y sa harap ng paghain ng patong-patong na kaso sa Office of the Ombudsman laban sa senador at sa misis niyang si Taguig City Mayor Lani Cayetano.
Sinabi ng senador, lahat ng pwedeng pagkakitaan ay tinanggal ni Mayor Lani upang maiwasan mabahiran ng ano mang anomalya.
Giit ng senador, handa nilang patunayang wala silang ginagawang ano mang anomalya.
Una rito, sa inihaing complainant ni UP Professor Rod Vera, sinabi niyang nagkaroon nang maling paggamit ng PDAF ang mag-asawang Cayetano.
Dalawang graft complaints ang kinakaharap ng senador, habang plunder complaint ang inihain laban sa Taguig mayor.
Partikular na tinukoy sa complaint ang pagbili ng aniya’y overpriced multi-cabs na umaabot sa P18 million.
Bukod dito, inakusahan pa ang Taguig mayor nang pagkakaroon ng 3,188 ghost employees, sinasabing pinaglalaanan ng pondo ng lungsod.