APAT sa libo-libong deboto ang nasa kritikal na kondisyon nang tamaan ng kidlat habang ipinagdiriwang ng ika-36 anibersaryo ng religoius maritime procession sa Cawayan Island sa Bacacay, Albay.
Sa impormasyon mula kay Bacacay Municipal Police Station chief, Supt. Luke Ventura, nasa fluvial procession ang mga deboto mula sa iba’t ibang isla sa nasabing bayan nang biglang kumidlat at gumuhit sa hindi mabilang na deboto.
Sa mga tinamaan ng kidlat, apat ang iniulat na kritikal dahil sa matinding sunog sa katawan.
Agad isinugod sa malapit na health centers ang mga debotong tinamaan ng kidlat na hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay nilalapatan ng lunas.
Ayon kay Ventura, patuloy nilang kinokompirma ang bilang ng mga biktima maging ang pagkakakilanlan nila.
ni BETH JULIAN