Sexy Leslie,
Lahat po ba ng babae ay mahilig sa sex? Kasi ang GF ko ay laging bumibili ng x-rated movie tapes. 0919-3006887
Sa iyo 0919-3006887,
Lahat naman ay may ‘normal’ na hilig sa sex. At hindi rin ibig sabihin na mahilig sa sex ang iyong GF dahil lang sa lagi itong bumibili ng mga x-rated movie tapes. Maaari rin kasing curious lang siya o kaya ay hilig niya ang manood nito.
Anyway, kung mahilig man siya sa sex, di ba ang suwerte mo?
Sexy Leslie,
I am Sunflower, 18, may friend po ako na gusto niya ang guy na nanliligaw sa akin. Ano po ang dapat kong gawin?
Sa iyo Sunflower,
Wala kang dapat gawin kundi ang maging honest sa iyong sarili, lalo kung type mo rin ang nanliligaw sa iyo.
Kahit kasi itulak mo ang suitor mo na ang iyong kaibigan ang gustuhin, kung ikaw ang type niya, wala kang magagawa, magdudulot lang ‘yan ng lungkot sa kanya. Just be yourself and be happy!