BUONG ningning na ipinagmamalaki ni Gladys Reyes na hindi tumikim ng ibang babae ang kanyang mister na si Christopher Roxas. Ilusyonada lang daw ang babaeng magsasabi ng ‘Ah si Christopher ba? Natikman ko rin yun!’
“’Di ba iba ‘yung hindi gumagawa ng ano kasi natatakot lang, iba ‘yung hindi gumagawa ng, faithful dahil nandiyan ka lang.
“Iba ‘yung ganoon, eh. Parang more on takot lang, eh. Pero ‘yung kahit wala ka, wala ‘yung presence mo, kahit saan pa siya makarating, mismo sa sarili niya, alam niya ‘yung limitasyon niya, iyon ang hinahangaan ko po kay Christopher,” sambit pa ni Gladys.
Twenty-two years na ang relasyon nilang dalawa.
“At first boyfriend ko siya, first and last! At siya ang napangasawa ko.
“Kaya nga kumbaga sa ano, one time big time,” dagdag pa ni Gladys.
Tsuk!