Friday , May 16 2025

Castro ‘di seryoso ang pilay

DAY-to-day ang estado ng pilay sa kaliwang paa ng pambatong guwardiya ng Gilas Pilipinas na si Jayson Castro.

Sinabi ng assistant coach ng Gilas na si Josh Reyes ay hindi seryoso ang pilay ni Castro.

“No structural damage,” wika ng anak ni Gilas head coach Chot Reyes. “But his Achilles heel is still swelling. His status is day-to-day.”

Napilay si Castro sa laro ng Gilas kontra Euskadi noong isang araw kung saan natalo ang mga Pinoy, 75-66.

Nadapa si Castro nang kinuha niya ang inbound pass mula kay Ranidel de Ocampo dahil sa sobrang dulas ng sahig.

Sa ngayon ay nagsusuot si Castro ng protective boot sa kanyang pilay na paa.

Bukod kay Castro ay may iniinda ring pilay sina Paul Lee at Andray Blatche kaya nahihirapan ang Gilas sa paghahanda nito para sa FIBA World Cup sa Espanya.

ni James Ty III

About hataw tabloid

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *