Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea, enjoy makipagtarayan kay Maricar

082114 bea maricar

00 SHOWBIZ ms mAMINADO ang Movie Queen ng bagong henerasyon na si Bea Alonzo na natutuwa siya sa tuwing may maiinit na komprontasyon ang mga karakter nila ni Maricar Reyes sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

“Nag-eenjoy kami lagi ni Maricar tuwing nag-aaway at nagtatarayan kami sa mga eksena namin bilang si Sasha at Rose,” ani Bea kamakailan nang mag-renew siya ng kanyang two-year contract sa Kapamilya Network.

“Nakakatuwang gawin ‘yung away scenes dahil sa totoong buhay hindi naming ‘yun ginagawa. Challenge para sa amin na gawing kapani-paniwala sa viewers ‘yung tarayan at sagutan namin,” dagdag ni Bea kaugnay ng kanilang roles na mainit na pinag-uusapan maging sa social networking sites.

Taliwas sa alitan ng kanilang mga karakter sa Sana Bukas Pa ang Kahapon, sinabi ni Bea na maayos ang samahan nila off-cam ni Maricar at ng kanyang leading man na siPaulo Avelino na gumaganap sa kuwento bilang si Patrick, ang lalaking kapwa mahal nina Rose at Sasha.

Aniya, ”Lagi kaming nagtatawanan nina Maricar at Paulo sa set. Dahil sa soap na ito, mas naging close kami sa isa’t isa.”

Samantala, tiyak na mas paiinitin ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon ang gabi ng TV viewers ngayong hindi na papipigil pa si Rose sa kanyang paghihiganti sa lahat ng taong sumira sa buhay niya. Paano ipagpapatuloy ni Rose ang plano laban kina Sasha at Patrick ngayong may nararamdaman pa rin siya para sa kanyang asawa? Mapagtatagumpayan pa rin ba niya ang paghahanap sa tunay na pumatay kay Emmanuelle at sa kanyang ama?

Sa ilalim ng Dreamscape Entertainment Television, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay kuwento ng dalawang magkaibang babae na naghahangad na makamit ang hustisya. Ito ay sa ilalim ng direksiyon nina Trina Dayrit at Jerome Pobocan.

Huwag palampasin ang mga makapigil-hiningang eksena sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon gabi-gabi pagkatapos ng Ikaw Lamang sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon, bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/SBPAK.TV, Twitter.com/SBPAK_TV, at Instagram.com/DreamscapepH.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …