Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Titig ni Paulo avelino, makalaglag panty

Print

00 SHOWBIZ ms mNATAWA kami sa kilos at komento ng aming kaibigang nanonood at sumusubaybay ng Sana Bukas Pa ang Kahapon sa ABS-CBN2, paano’y kinikilig sa tuwing tumititig si Paulo Avelino kay Bea Alonzo. Kapag ginagawa raw iyon ni Paulo parang s’ya na rin ang tinititigan ng aktor. At makalaglag panty daw kung makatitig ang aktor.

Kaya hindi imposibleng muling manumbalik ang pagtingin ni Rose (Bea Alonzo) kay Patrick (Paulo) dahil talaga namang mapapaibig ka sa ganda ng mga mata niya at pagkakatitig sa iyo. Ito ang kasalukuyang nagaganap sa SBPAK na aminado si Rose na mahal pa rin niya ang asawa.

Paano nga ba makaiiwas si Rose/Emmanuelle kay Patrick kung magkasama sila sa trabahon at panay ang sunod sa kanya ng huli? Iwasan man ni Emmanuelle si Patrick, ito naman ang gumagawa ng paraan para makapag-usap sila.

Nakakaloka naman ang pagkaganid ni Laura (Dina Bonnevie) na gagawin ang lahat para maibigay sa kanya ni Violet (Michelle Vito) ang mana o kayamanan nito.

Lalo namang umiinit ang banggaan nina Sasha (Maricar Reyes) at Rose/Emmanuelle. Bagamat sobra nang galit sa isa’t isa, poise na poise pa rin kapwa sila sa kanilang pagpaparinig ng masasakit na salita. Kumbaga eh, very compose pa rin sila. Pero ang pinakagusto ko rito ay ang magagandang damit na isinusuot ni Rose/Emmanuelle. Para talaga siyang modelo na rumarampa lagi.

Pakatutukan gabi-gabi ang Sana Bukas Pa Ang kahapon sa ABS-CBN2 gabi-gabi, pagkatapos ng Ikaw Lamang.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …