Friday , November 22 2024

3 suspek sa rape-slay sa Bulacan arestado

082014 crime calumpit bulacan

ARESTADO sa mga awtoridad ang tatlong suspek sa gang rape at pagpatay sa 26-anyos babae sa Calumpit, Bulacan, isa sa kanila ay nadakip nang bumisita sa burol ng biktima.

Ayon sa ulat, nitong Lunes ng gabi, bumisita ang jeepney driver na si Elmer Joson, 45, kasama ang kanyang misis, sa burol ng biktimang si Anria Espiritu.

Ayon kay Joson, naging pasahero niya ang biktima nitong Miyerkoles. Natagpuan ang bangkay ng biktima nitong Huwebes.

Ngunit nagduda ang pamilya ng biktima nang makita ang marka ng mga kalmot at sugat sa katawan ni Joson. Dinakip ng mga pulis si Joson nang bumalik siya sa burol dakong 3 p.m.

Ngunit sinabi ni Joson, ang mga kalmot at sugat sa kanyang katawan ay dahil sa pag-aaway nila ng kanyang misis nitong Lunes ng umaga.

Gayonman, sinabi ni Supt. Ophelio Dakila Concina, hepe ng Calumpit police, ang mga sugat at kalmot ni Joson ay bahagyang magaling na.

“Noong tiningnan namin ang katawan, may nakita po kaming mga kalmot. Sariwa pa rito sa leeg. Tapos ‘yung sa may katawan, tuyo na,” salaysay ni Concina.

Ikinustodiya ng pulisya ang jeep ni Joson na maaaring ginamit sa krimen.

Naunang nadakip ang dalawang suspek at kasalukuyan nang isinasailalim sa interogasyon.

Sinabi ng Calumpit police chief, may lead na sila sa iba pang mga suspek sa krimen.

Sa salaysay ng ina ng biktima, huli niyang nakitang buhay ang anak nang magpaalam na gigimik. Pinaalalahan pa niya ang biktima sa suot na damit na ang naging sagot ay uso raw ito.

Makaraan ay hindi na nakontak ng ina ang anak hanggang natagpuan ang bangkay na walang saplot at tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Narekober din ng pulisya sa crime scene ang isang screwdriver at kadena, hinihinalang ginamit ng mga salarin sa pagpaslang kay Anria.

Sa pahayag ng ina, mahilig mag-post ng mga larawan si Anria sa social networking site na Facebook kaya pinagsabihan niya na bawas-bawasan ang pagpo-post dahil sa posibilidad na makaakit ng masasamang loob.

Kutob niya, kakilala ng biktima ang mga salarin at posible rin aniyang tagaroon lang dahil tila kabisado nila ang lugar.

Kaugnay nito, bumuo ang Calumpit Police Station ng Task Force Anria para sa mas mabilis na pagresolba ng kaso.

Ayon sa forensics investigation, hinihinalang apat ang salarin dahil sa apat na na-trace ng semen sa katawan ng biktima.

(MICKA BAUTISTA/DAISY MEDINA)

About hataw tabloid

Check Also

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Bulacan Police PNP

Pulis sugatan sa ops, pagkilala inirekomenda  ni Gob. Fernando

KASALUKUYANG nagpapagaling sa pagamutan ang isang police officer na lubhang nasugatan sa isang police operation …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *