LAMAN ng balita sa mga websites nung nakaraang Biyernes na nakatakdang panoorin nina Manuel Marquez at promoter nitong si Fernando Beltran ng Zanfer Promotions ang laban nina Shawn Porter at Kell Brook ngayong linggo.
Ayon pa sa balita, kung sino ang mananalo sa dalawang nabanggit na boksingero ay posibleng iharap kay Marquez sa Mexico.
Sa parte ng kampo ni Porter, lalo na ang kanyang trainer/manager na kanyang ama, ay may negatibo agad na pananaw sa bali-balitang iyon.
”None of that sounds advantageous to Shawn. Obviously we want to continue with having advantages when we go in the ring. It’s not an advantage to go to Mexico and fight a former multiple time world champion,” pahayag ng matandang Porter.
Sa kasalukuyan ay may sinusunod na plano ang kampo ni Porter sa hinaharap ng boxing career nito.