HUMINGI ng tulong ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa Department of Health para lalong mapaigting ang kampanya nila sa Ninoy Aquino International Airport laban sa nakamamatay na sakit na Ebola virus.
Ayon kay MIAA General Manager Jose Angel Honrado, ang nasabing kampanya ay para sa mga empleyado ng gobyerno at pribado na may direktang pakikisalamuha sa mga pasahero.
Dagdag pa ni Honrado, lahat ng mga empleyado ng NAIA ay kanilang tuturuan sa pag-iwas sa nasabing sakit, upang hindi magdulot nang takot o pangamba sa mga pasahero.
Ang nasabing hakbang ay tugon lamang ng MIAA sa World Health Organization na magkaroon ng kamalayan sa nasabing sakit.