Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vhong, babalikan ang mga kalaban sa Wansapanataym

080214 vhong carmina louise

00 SHOWBIZ ms mBABAWI na ang karakter ni Vhong Navarro sa Wansapanataym Presents Nato de Coco na si Oca sa mga taong sumira ng kanyang basketball career.

Sa pagpapatuloy ngayong Sabado at Linggo (Agosto 16 at 17) ng kuwentong pinagbibidahan ni Vhong kasama sina Carmina Villarroel at Louise Abuel, gagawin na ni Oca ang lahat para protektahan ang kanyang pamilya mula sa maitim na balak ni Keith (Epy Quizon), na siya ring pinaghihinalaang tunay na nandaya sa basketball championship kapalit ng salapi.

Ano ang gagawin ni Oca para mailayo si Keith sa kanyang asawa’t anak? Matutulungan ba ni Nato (Louise) ang kanyang Tatay Oca na mapatunayang hindi ito ang nagsabotahe ng huling laro?

Bahagi rin ng Nato de Coco sina Ella Cruz, Joshua Dionisio, at Yogo Singh. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at direksiyon ni Lino Cayetano. Sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang original storybook ng batang Pinoy na Wansapanataym ay ang longest-running at most-awarded fantasy-drama anthology ng ABS-CBN.

Huwag palampasin ang Wansapanataym Presents Nato de Coco tuwing Sabado, 7:15 p.m. at Linggo, 7:00 p.m. sa ABS-CBN.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …