BABAWI na ang karakter ni Vhong Navarro sa Wansapanataym Presents Nato de Coco na si Oca sa mga taong sumira ng kanyang basketball career.
Sa pagpapatuloy ngayong Sabado at Linggo (Agosto 16 at 17) ng kuwentong pinagbibidahan ni Vhong kasama sina Carmina Villarroel at Louise Abuel, gagawin na ni Oca ang lahat para protektahan ang kanyang pamilya mula sa maitim na balak ni Keith (Epy Quizon), na siya ring pinaghihinalaang tunay na nandaya sa basketball championship kapalit ng salapi.
Ano ang gagawin ni Oca para mailayo si Keith sa kanyang asawa’t anak? Matutulungan ba ni Nato (Louise) ang kanyang Tatay Oca na mapatunayang hindi ito ang nagsabotahe ng huling laro?
Bahagi rin ng Nato de Coco sina Ella Cruz, Joshua Dionisio, at Yogo Singh. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at direksiyon ni Lino Cayetano. Sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang original storybook ng batang Pinoy na Wansapanataym ay ang longest-running at most-awarded fantasy-drama anthology ng ABS-CBN.
Huwag palampasin ang Wansapanataym Presents Nato de Coco tuwing Sabado, 7:15 p.m. at Linggo, 7:00 p.m. sa ABS-CBN.
ni Maricris Valdez Nicasio