Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ronald Pascual pumasok na sa PBA draft

081414 ronald pascual PBA

NAGPALISTA na kahapon si Ronald Pascual para sa PBA Rookie Draft na gagawin sa Agosto 24 sa Robinson’s Place Manila.

Nagdesisyon si Pascual na pumasok na sa draft pagkatapos na nagkausap sila sa kanyang manager na si Dennis Pineda.

Nauna na kasing nakapasok sa PBA ang mga dating kakampi ni Pascual sa San Sebastian College na sina Calvin Abueva at Ian Sangalang.

Nagpalista na rin sa PBA draft sina Matt Ganuelas, Kevin Alas at Jake habang hindi pa nagdesisyon si Garvo Lanete habang sinusulat ito.

“Nag-decide na po ako kasi umakyat na sila lahat. Ako na lang maiiwan,” wika ni Pascual sa panayam ng www.spin.ph.

“I’m about 80 percent sure of joining the Draft,” ani Alas. “But of course, I’m also thinking about the national team program because I’m already in the pool and the program will continue according to Coach Chot (Reyes) after the Asian Games this year.”

Samantala, isa na namang trade ang ginawa ng Globalport nang itinapon nito si Jondan Salvador sa Barako Bull kapalit ni Mark Isip.

Naunang na-trade ng Batang Pier si Eric Menk sa Alaska kapalit ng dalawang second round draft picks. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …