Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jen, no time for love dahil sa rami ng work

00 SHOWBIZ ms mNILINAW ni Jennylyn Mercado na hindi dahil sa hindi pa niya nakalilimutan si Luis Manzano kung kaya’t ayaw pa niyang magmahal muli. Kundi, takot siyang masaktan muli at very occupied siya ng kabi-kabilang trabaho.

“Actually sa ngayon hindi talaga ako nag-e-entertain ng manliligaw. Hindi pa kasi ako handa! ‘Wag muna,” giit ni Jen nang makausap namin ito sa launching sa kanya bilang new face ng ZH&K Mobile.

Aminado naman si Jen na marami ang nagpaparamdaman sa kanya subalit, “May nagti-text text , may tumatawag-tawag at nagpapa-cute, pero sinasabi ko naman sa kanila straight forward na hindi pa talaga ako handa at alam ko na naiintindihan naman nila.

081414 Jennylyn Mercado
“Siguro if ever na ready na ako, kailangan kung sino man ‘yung manliligaw sa akin dapat tanggapin nila kung ano ako, kung anong mayroon ako ngayon. At dapat tanggapin nila ‘yung pamilya ko, ‘yun ‘yung mahalaga sa akin. Package ‘yun, packaged deal!

Sinabi pa ni Jen na masuwerte siya ngayon dahil sa sunod-sunod ang trabahong dumarating bukod pa sa mga endorsement tulad nga nitong ZH&K Mobile na pareho sila ni Manny Pacquiao na endorser. Bale pang female unit daw ang para kay Jen o ‘yung may touch ng feminine samantalang si Manny ay pang-masa.

Pero sa totoo lang, maganda ang ZH&K Mobile, bongga ang klase ng kanilang cellphone na parang Iphone dahil may hotspot sila at wifi ready din, bukod sa android din ito.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …