Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, wala nang career dahil kay Arjo

00 SHOWBIZ ms mNAKATUTUWANG magbiruan ang mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde. Animo’y magbarkada lang ang dalawa, patunay na maganda ang samahan ng mag-ina. Na magbiruan man, naroon pa rin ang relasyong mag-ina.

Biro ni Arjo sa kanyang ina , ”Wala ka nang career.” Ito’y bunsod ng pagsasama ng dalawa sa Pure Love ng ABS-CBN na gumaganap na ina rin ni Arjo ang magaling na aktres. Sa Pure Love ay mayroong matitinding eksena ang dalawa na nagpapakita ng kani-kanilang galing.

Super intense nga raw kung ilarawan ni Arjo ang eksena nilang mag-ina nang dalawin niya ito. Parang nabaliw ang role ni Sylvia sa Pure Love.

Ani Arjo, gabi pa lang ay ini-internalize na niya ang kanyang role. ”Ganoon naman ako lagi, sa bahay pa lang pinaghandaan ko na. Hindi dahil sa nanay ko. Kahit naman sino po basta lagi akong naghahanda. Hindi ko pa kasi ibinibigay sa rehearsal, gusto ko po kapag sinabing take na roon ko po ibibigay ang lahat.

070214 sylvia arjo
“Gabi pa lang po sa bahay hindi kami nag-uusap ng nanay ko. Ako po kasi ‘pag may mabigat na eksena ibinibigay ko talaga…kasi sa drama may level po ako ng acting, may mild, medium at super intense po.”

Biniro naman daw si Sylvia ng kanyang asawang si Papa Art na nilamon siya ng kanyang anak. Okey lang naman daw kay Sylvia ang ganoong komento. ”At least anak ko ang lumamon sa akin, mas tanggap ko ang ganoon. Kaysa naman ibang artista na nilamon ako sa eksenang ginawa naming, ‘di ba?”

Sinabi pa ni Sylvia na nang magtama na ang kanilang mga mata ni Arjo, roon niya naramdaman na may puso umarte ang kanyang anak at nasabi niyang magaling talaga ito.

Ganoon din naman ang komento ni Arjo na hindi raw porke ina niya ay nagagalingan siya. ”Alam kong magaling siyang umarte kasi napapanood ko siya sa mga teleseryeng ginagawa niya. Pero mas naramdaman ko ang galing niya nang magsama kami sa Pure Love.”

Marami pang eksenang magaganap sa mag-inang Arjo at Sylvia sa Pure Love kaya’t marami pang aabangan ang manonood. Isa lang ang tiyak, may pinagmanahan talaga si Arjo sa galing umarte, kaya ‘wag nang magtaka pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …