Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pakistan lupaypay sa Pilipinas

BINALATAN ng Philippine men’s team ang Pakistan, 3-1 upang umakyat ng bahagya sa team standings sa nagaganap na 41st World Chess Olympiad sa Tromso, Norway kahapon.

Pumitas ng tig-isang puntos sina GMs John Paul Gomez at Jayson Gonzales sa boards 2 at 4 habang nakipaghatian ng puntos sina GM Julio Catalino Sadorra at FM Paulo Bersamina sa boards 1 at 3 ayon sa pagkakasunod para ilista ang 10 match points at lumanding ang Pilipinas sa pang 63rd place matapos ang ninth round.

Pinayuko agad ni Gomez (elo 2526) si IM Shahzad Mirza (elo 2268) sa 43 sulungan ng Nimzo-Indian habang pinasadsad ni player coach Gonzales (elo 2405) si Mudasir Aqbal matapos ang 34 moves ng English opening.

Mahabang 73rd moves ng Queen’s Gambit bago napapayag si Sadorra (elo 2590) na makipag-draw kay IM Mahmood Lodhi (elo 2335) habang nagkasundong maghati ng puntos sina Bersamina at Ali Ahmad Syed matapos ang 43 tira ng Torre-Attack.

Makakaharap ng Pinoy woodpushers sa 10th at penultimate round ay ang No. 85 seed Bolivia.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PSC Philippine Womens Open

Rizal Memorial Tennis Center Sasailalim sa Testing para sa Kauna-unahang Philippine Women’s Open

MAGSISIMULA ang mga opisyal ng sports sa Pilipinas ng operational testing sa mga bagong-renovate na …

POC Bambol Tolentino PhilCycling Dato' Amarjit Singh Gill

12 bansa kumpirmado na para sa Asian track championships sa Tagaytay CT Velodrome

BUMALIK sa Pilipinas ang ika-45 Asian Cycling Confederation (ACC) Track Championships matapos ang 31 taon, …

PSC Pato Gregorio NGAP

Asian Tour Series PH Leg sa Pebrero na

ALINSUNOD sa malawakang kampanya ng pamahalaan para sa sports tourism, pangungunahan ng Philippine Sports Commission …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …