Sunday , November 3 2024

Media advocate: Takbo sa tag-ulan tulong sa mga batang lansangan

ISANG makatuturang hagaran sa pinakamalaking rotonda ng  bansa ang magaganap sa Agosto 24, 2014, na layong makatulong sa mga Batang Lansangang may sakit  at media colleague na dina-dialysis.

Ito ang inihayag ng ilang miyembro ng media advocates kaisa ang punong-abala na si Nympha Miano sa 2-in-1 footrace na binansagang  Takbo sa Tag-ulan, na may temang “ Tayo na, Takbo Tayo, Tumulong at Mag-ehersisyo habang umuulan,” na tatampukan ng 5-km at 10-km distansiya sa paligid ng Quezon Memorial Circle ng Elliptical Road, Lungsod Quezon.

Magsisitanggap ng event medals ang unang 50 kalahok na tatawid ng meta kung saan ang magkakampeon sa dalawang ruta ay P3,000, 2nd place ay P2,000 at P1,000  ang para sa 3rd    place na itinataguyod ng Best Herbal Oil, Yamaha, Goldilocks at MyPhone.

Sa isang grupo, na binubuo ng sampung mananakbong magpapatala sa kategoryang 5-km. (P550) at 10-km. (P600)  na distansiya ay  libre ang isa na may kasamang singlet. Para sa iba pang impormasyon, makipagtalastasan sa 0930-2550776 / 0932-3971285 o mag-email sa [email protected] nang maging kaagapay sa pagtulong sa mga Batang Lansangan.

(HENRY T. VARGAS)

About hataw tabloid

Check Also

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Milo Gatherings of Champions

PSC, POC, DepEd pinarangalan sa Gatherings of Champions

TAPAT sa kanyang pangako sa pagbuo ng isang bayan ng mga kampeon, ipinagdiwang ng MILO® …

Ricielle Maleeka Melencio Go Full Speedo

Melencio nanguna sa MOS awardees ng PAI-Speedo Swim Series 2

NANGIBABAW si Ricielle Maleeka Melencio sa dalawa pang event para dalhin ang kanyang kabuuang gintong …

Nicola Queen Diamante

Diamante, Melencio, Evangelista namuno sa ‘Go Full Speedo’ Swim Series 2

NATAMO ni Nicola Queen Diamante ang gintong medalya sa 50-meter butterfly sa girls’ 14 years …

TOPS Manilas Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

Manila’s Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

SANIB PUWERSA ang Antigong Maynila, Inc. at New Manila’s Finest Retirees Association, Inc. (NMFRAI) para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *