Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mariel, ‘di na raw makababalik ng Dos kaya isinama kay Robin sa Talentadong Pinoy?

00 SHOWBIZ ms mHINDI na matatawaran ang galing ni Mariel Rodriguez sa pagho-host kaya naman tamang-tama lamang ang pagkakuha sa kanila ng kanyang asawang si Robin Padillapara maging host ng ibinabalik na talent show na Talentadong Pinoy ng TV5.

Sa Agosto 16, Sabado na nga mapapanood ang unang presentasyon ng Pinoy talents na bibigyan ni Robin ng fresh feel ang show kasama ang mga contestant sa stage habang bibigyan naman ng bagong perspective ni Mariel ang bawat performances sa tabi ng mga judge.

Sa pagkakasama ni Mariel sa Talentadong Pinoy, kaakibat ang tsikang, package deal daw silang mag-asawa dahil hindi na raw makababalik si Mariel sa Dos?

Ani Mariel, hindi totoo ang tsikang ito bagamat wala naman daw talagang offer ang ABS-CBN2. Hindi rin daw totoo na dapat ay kasama siya sa PBB All In. “Wala naman silang offer. Anytime naman puwede akong bumalik ng Dos ‘pag may offer. Sa ‘PBB’, hindi talaga ako kasama roon, hindi lang dito sa ‘All In’, pati naman ‘yung last ‘PBB’, wala rin ako roon, hindi ako kasama,” paliwanag ni Mariel sa presscon ng Talentadong Pinoyna ginawa sa Annabel’s restaurant.

080314 robin mariel
Sinabi naman ng TV5 management na ang mag-asawang Robin at Mariel ang kanilang napiling mag-host dahil gusto nilang makapagbigay ng bagong putahe, bagong touch, at bagong perspective ang show.

Sa kabilang banda, kinompirma naman ni Mariel na marami ngang kumakausap kay Robin para tumakbong senador sa 2016. ”Nagugulat na lang ako may mga kausap siya at nalalaman ko na nga lang na kinukumbinse siyang pasukin ang politics. Pero hindi pa rin nagbabago ang stand ni Robin, ganoon pa rin. Hindi niya papasukin ang politics. Kung may politiko man sa kanila si Rommel ‘yun. Si Rommel ang itinuturo niya. Tama na raw ang isang politiko sa pamilya niya. Hindi raw siya para roon. Kung gusto niyang tumulong, hindi na niya kailangang maging politiko,” paliwanag pa ni Mariel.

Samantala, kasama sa pagbabalik ng Talentadong Pinoy ang tanyag nitong red curtain na nagbibigay ng power sa judges na ihinto ang mga performance na hindi nila magugustuhan. Pero sa pagkakataong ito, binibigyang power din si Robin na mag-save ng isang contestant tuwing Sabado para sa performance na kanyang magugustuhan kahit pinagsarhan ito ng red curtain ng judges.

Bukod kina Robin at Mariel, makakasama rin sa pagbabalik ng Talentadong Pinoy ang comedienne na si Tuesday Vargas na personal niyang kikilalanin ang mga contestant, ang mga pamilya at kani-kanilang inspiring stories.

Kaya tutok lang tuwing Sabado, para mapanood ang Talentadong Pinoy 2014, 7:00-8:00 p.m. simula sa Agosto 16 handog ng TV5.

mari

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …