Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gandang Lalaki ng It’s Showtime, may palakasan?

081214 Showtime vice vhong billy
 ni Roldan Castro

NAGKAKAROON ngayon ng intriga sa Gandang Lalaki ng It’s Showtime dahil kaibigan at laging kasa-kasama ni Vice Ganda ang nagpasok sa isang  kontesero na  nanalo sa isang episode.

Napag-iisipan tuloy na may favoritism at may influence si Vice kahit  wala naman. Kaya ang frend ni Vice na si Megapr tumigil na sa pagdidiwara at pagpasok ng contestant dahil si Vice ang napapahamak, ‘no?

Siguro, pagsabihan na lang ang mga friend ni Vice na ‘wag na magpasok ng contestant dahi nagkakaroon ng kulay pag nagwi-win at pati siya ay nadadawit kahit malinis naman ang labanan.

Pinupuna kasi  ‘yung isang winner nila na nablanko at puro buckle sa umpisa pero wagi.

Ang nakakaloka pa kina Coleen Garcia at sa judge na  si Kurt Joshua Ong, Mr. Chinatown ay  may mga puna sila sa contestant pero  perfect 10 ang score.

Anong klaseng hurado ‘yan perfect 10 kahit  may sabit sa question and answer portion at nag-buckle sa umpisa?

Katanggap-tanggap kasi kung 9 ang ibinigay nila dahil guwapo, maganda ang balat at katawan nito pero teka lang. Paano naging perfect ang score nila?

‘Ayaw ni ‘Maduna’ ng ganyan!

Bwahahaha!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …