Sunday , November 3 2024

Daga kinakain sa Nueva Ecija (Peste sa Olongapo City)

KUNG peste para sa mga residente ng Olongapo City ang mga daga dahil nagdudulot ito ng nakamamatay na sakit na leptospirosis, sa ilang residente sa Nueva Ecija, biyaya ang tingin sa mga daga sa bukid na ginagawa nilang pang-ulam sa kanilang hapag-kainan.

Hindi lang pagtatanim ng palay ang pinagkakaabalahan ng ilang magsasaka sa Cabiao, Nueva Ecija.

Ang iba sa kanila, nanghuhuli ng daga na kanilang uulamin o ibebenta.

Ayon sa magsasakang si Arnold Torres, matagal na silang kumakain ng dagang bukid ngunit wala pang nagkakasakit sa kanila.

Katunayan, inilarawan niyang mas masarap pa sa karne ng manok ang karne ng daga.

Masusi aniya nilang nililinis at niluluto ang mga daga.

Habang si Ed Adona, naniniwalang nakagagamot ng ilang sakit sa balat ang pagkain ng daga katulad ng galis.

Ang sobrang daga na kanilang nahuhuli ay naibebenta nila ng P60 bawat kilo.

Sa hirap ng buhay, malaking tulong anila ito para madagdagan ang kanilang kita.

Ang mga daga (sa pamamagitan ng ihi na nahalo sa tubig) ang pinagmumulan ng nakamamatay na sakit na leptospirosis.

Kaya ang lokal na pamahalaan ng Olongapo City, binibili ng P10 ang bawat daga na mahuhuli ng kanilang mga kababayan.

Ginawa ito ng mga lokal na opisyal sa Olongapo dahil tumaas ang kaso ng leptospirosis sa kanilang lungsod. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *