AMINADONG namula ang pisngi ni Lovi Poe sa sampal ni Maricel Soriano sa confrontation scene nila sa isang serye. Pero itinanggi ni Lovi na nagsusuka siya after ng sampal scene dahil sa tension. Bumakat daw ang sampal ng Diamond Star pero okey lang sa kanya.
Panay raw ang sorry ni Maricel kay Lovi at sumagot naman siya na okey siya.
Si Maricel daw ang tipo ng artista na marunong manampal dahil heavy at buo ito. Pero hindi tututol si Lovi kung may mga eksena pa rin siya na sasampalin pa rin siya ni Maricel.