Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

KC, mapanira sa tambalang Coco at Kim

00 SHOWBIZ ms mUSAP-USAPAN ang malaking pagbabagong magaganap ngayong Agosto ng top-rating master teleserye ng ABS-CBN, ang Ikaw Lamang sa pagpasok ng mga bagong karakter na bibigyang buhay ng ilan sa pinakamahuhusay na aktor sa bansa.

Kung tinutukan daw ang mga pangyayari sa Book I, tiyak na mas kalulugdan ang mga magaganap sa Book 2 dahil nadagdagan pa ng malalaking artista at katauhan ang Ikaw Lamang.  Matapos gampanan ang mga karakter nina Samuel at Isabelle, ipagpapatuloy ng grand slam Best Actor of the Year na si Coco Martin at 2014 Yahoo! Actress andCelebrity of the Year Kim Chiu ang kuwento ng Ikaw Lamang bilang ang susunod na henerasyon ng pamilya Hidalgo at Severino na sina Gabriel at Andrea.

Makakasama pa nila ang 2014 FAMAS Best Actress na si KC Concepcion, na gaganap bilang ang nakatatandang kapatid ni Andrea na si Natalia, ang sinasabing bagong maldita at hahadlang kina Kim at Coco.

080714 Coco kim kc
Simula ngayong Agosto, mapapanood din ang seasoned actors na sina Amy Austriabilang Isabelle, Joel Torre bilang Samuel, Rio Locsin bilang Lupe, Nonie Buencaminobilang Calixto, at Christopher de Leon bilang Franco.

Sa paglabas ng mga seasond actor na ito, lalong kapana-panabik ang kanilang pagsasagupa. Kabilang din sa bagong cast members sina Smokey Manaloto, Arlene Muhlach, Jojit Lorenzo, Alora Sasam, at Mylene Dizon.

Sa totoo lang, mula nang umere noong Marso ang Ikaw Lamang, gabi-gabi nang namayagpag ito sa national TV ratings dahil sa nakakikilig na istorya ng pagmamahalan nina Samuel at Isabelle. Mabibigyang katuparan na ba sa kasalukuyan ang pag-ibig na hinadlangan ng nakaraan?

Ang Ikaw Lamang ay ay obra ng Dreamscape Entertainment Television at idinidirehe nina  Malu Sevilla, Manny Palo, at Avel Sunpongco. Sa mga bagong actor na nasali, tiyak na mas kapana-panabik pa ang mangyayari kaya  huwag palampasin ang Ikaw Lamang, gabi-gabi, pagkatapos ng Hawak Kamay sa ABS-CBN Primetime Bida.

mari

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …