Sunday , November 3 2024

Driver, pahinante sugatan Amok kritikal sa parak

KRITIKAL ang isang lalaki nang makipagbarilan sa nagrespondeng pulis makaraan barilin ang isang driver at pahinante kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Kinilala ang suspek na si Jon-Jon Romero, 28, residente ng R-10, Brgy. North Bay Boulevard South ng nasabing lungsod, ginagamot sa Tondo Medical Center.

Kusang-loob na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang pulis na nakabaril sa suspek na kinilalangh si PO1 Dennis Maagda, 27, nakatalaga sa Northern Police District (NPD), naninirahan sa 97 R-10, Lapu-Lapu Avenue, Brgy. North Bay Blvd. North.

Habang nilalapatan ng lunas sa Manila Central University Hospital ang mga nabaril ng suspek na sina Boyet Heneralao, 30, driver, at Benjie Marcelo, pahinante.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jeffrey Montero, naganap ang insidente dakong 7:20 p.m. sa Lapu-Lapu Ave., Brgy. NBBN.

Sa hindi pa malamang dahilan, binaril ng nag-amok na suspek ang driver na si Heneralao at pahinanteng si Marcelo.

Habang minamaneho ni PO1 Maagda ang kanyang motorsiklo ay narinig niya ang putok ng baril kaya agad nagresponde.

Nakita ng pulis ang suspek na tumatakbo habang armado ng baril kaya agad niyang hinabol.

Ngunit pinaputukan ni Romero si Maagda na nagresulta sa palitan nila ng putok na ikinasugat ng suspek. (R. SALES)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *