Monday , November 4 2024

Binay LP’s presumptive standard bearer sa 2016?

080614 binay lp election
INIHAYAG ni Vice President Jejomar Binay na nakatanggap siya ng impormasyong ikinokonsidera siyang i-adopt ng Liberal Party bilang standard bearer sa 2016 elections.

Ayon kay Binay na magsisilbi sanang presidential candidate ng oposisyon na United Nationalist Alliance, wala pang pormal na negosasyon ang LP at sa bise presidente hinggil sa nasabing isyu.

Gayunman, giit ni Binay na sa politika ay walang imposible kaya’t maaari siyang maging presumptive standard bearer.

Habang ayon kay Interior Secretary Mar Roxas na napipisil na maging standard bearer ng LP, susundin at susuportahan niya ang desisyon ni Pangulong Benigno Aquino III bilang chairman ng nasabing partido.

Magugunitang noong nakaraang linggo, sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo, sinabi niya na ang gusto niyang papalit sa kanya ay kandidatong nais ituloy ang reporma ng bansa na kanyang inumpisahan.

DRILON PUMALAG

TODO-TANGGI ang liderato ng Liberal Party (LP) na mayroong nilulutong alyansa ang partido ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kampo ni Vice President Jejomar Binay para sa 2016 presidential elections.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, miyembro ng Executive Committee ng LP, walang nangyayaring usapan o nilulutong alyansa ang administrasyon sa partido ni Binay.

“There is no such thing. I am a member of the Executive Committee of the Liberal Party, and there has been no discussion on that,” ani Drilon.

Sinabi pa ni Drilon, mismong si Pangulong Aquino ang mag-aanunsyo sa tamang oras kung sino ang mamanukin ng LP sa darating na halalan.

Sa ngayon, sinasabing wala pang matibay na manok ang administrasyon sa darating na halalan kaya’t napaulat na maaaring susuportahan na lamang ni Pangulong Aquino si Binay.

(CYNTHIA MARTIN/NINO ACLAN)

ENDORSEMENT NI PNOY ‘DI KAILANGAN NI BINAY — SERGE

TAHASANG sinabi ni Senador Serge Osmeña na hindi kailangan ni Vice President Jejomar “Jojo” Binay  ang endorsement ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III para manalo sa 2016 presidential election lalo na kung ang kasalukuyang survey ang pagbabasehan.

Ayon kay Osmena, kung ang kasalukuyang survey ang pagbabatayan ay tiyak na landslide na mananalo si Binay.

Naniniwala si Osmena na bagama’t nasa pangalawa ang pangalan ni Senadora Grace Poe kay  Binay na kanyang tinulungan noong 2013 election para manalo bilang senador, ay tila hindi pa rin matatalo si Binay dahil sa agwat o layo ng kanilang ratings.

(NINO ACLAN)

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *