ININTRIGA si Carla Abellana sa solo presscon niya para sa pelikulang Somebody To Love kung ano ang reaksiyon niya sa isang thread sa internet na dapat daw ay siya ang Primetime Queen ngGMA 7 kaysa kay Marian Rivera dahil lahat ng shows niya ay nagre-rate.
Sey ni Carla, dapat daw ay sa network manggaling ‘yan. Hindi rin niya alam kung ano ang qualifications, kung ano ang standard para mabilang ka sa ganoong titulo.
Pero flattered siya na ikinukonsidera siya sa ganyan at posibleng maging Primetime Queen.
Anyway, ipalalabas na sa August 20 ang pangatlong pelikula ni Carla ngayong 2014. Ito’y angSomebody To Love na kasama sina Jason Abalos, Matteo Guidicelli, Jason Abalos, Iza Calzado,Isabel Daza, Maricar Reyes, Ella Cruz,Kiray Celis, Albie Casino, Jaclyn Jose atbp.. Ito’y sa direksiyon ni Jose Javier Reyes.
Magsisilbi ring birthday presentation ni Mother Lily ang Somebody To Love.
Bongga!