ni ROLDAN CASTRO
MUKHANG okey na ang sitwasyon ni Mayor Herbert Bautista pagkatapos ng kontrobersiya sa kanila ni Kris Aquino.
Focus daw siya ngayon sa trabaho at balik sa normal ang sitwasyon ng mga anak niya. Okey na rin sila ngayon, hindi gaya ng dati. Kaya naman kahit ang anak niyang si Harvey ay masaya na rin sa pagti-taping ng Goin’ Bulilit bukod sa pag-aaral.
Deklara na lang ni Mayor Bister sa panayam ng PEP: “Kris is a nice person, she’s a good friend. It was a good partnership. If there’s one thing good about the Aquinos, they are very loyal persons, very loyal family.”
Sa ngayon hindi pa niya alam kung ano ang mangyayari sa future at kung sino talaga ang pakakasalan niya. Hindi naman daw niya choice na maging single.
Tsuk!