NAMEMELIGRONG mawalan ng trabaho ang may libo-libong opisyales at workers ng mahigit 12,000 importers at customs broker pagkatpos ng July 31, 204.
Maraming mga importer at 2,000 broker na may pending application for accreditation permit or permit to import ay malamang na bumagsak sa maraming requirement ng BIR and BoC. Binigyan sila hangang July 31 upang matupad ang mga requirement.
May 13 requirement ang BIR at 11 ang BoC bago maisyuhan ng accreditation permit. Sabin ng BIR/BoC sa isang full page nito last week, no extension, no permit no importation. Ang magi-ging backlash nito ay pagsasara ng mga importer at broker na ikapipinsala ng kanilang libo-libong workers at opisyales.
Kapag itinuloy ng DoF ng bantang wala nang extension after July 31. Ang battle cry ng DoF, “Let’s get the legitimate traders in, out with the smuggers!”
Marahil hindi mabibilang ang dami ng magiging casualty ng “No Extension” hardline policy ng DoF-BIR-BoC.
Kunsabagay lubhang marami sa 12,000 importers at hao-shiao, walang lehitimong opisina, walang mga tunay na office, tunay na mga personnel at walang tunay na permit. Kung hindi peke, ito ay supply ng hunghang na mga personnel ng opisina na in-charge sa pag-isyu ng accreditation.
Nahihirapan daw ang mga importer at brokers na maaprubahan sa BIR ang kanilang mga papeles sa hirap ma-accomplish ang 13 requirements at 11 (eleven) sa mga broker. Kung walang certificate ng BIR hindi ito papansinin ng BoC. Isang kalbaryo daw ng mga importer at broker ang certificate mula sa SEC. Ang SEC ang nag-iisyu ng certi-ficate of good standing. Ang tagal daw inaabot sa SEC. Isipin na may umiiral na batas laban sa red tape na source ng corruption. Sa kagustuhan makakuha ng madaliang certificate of good standing from SEC, napipilitang maghatag ng pera sa mga empleyado. Kaya itong mga batas natin, kulang na kulang sa pagpapatupad.
Ang sabi ng BIR-BoC-DoF sa full-page ad nito last week, 3 out of four n trader at broker lang nagpunta sa BIR para mag-apply. Samantala, two out of three lang ang pumunta sa BoC para mag-apply. Tandaan natin na hindi mga santo ang mga taga-opisinang magpo-process nito. Ito ang senaryo sa customs na libo-libong mga importer at brokers ang nakapila at nagdarasal na sana ma-extend ang July 31 deadline. ‘Pag nagkataon maraming mga importer at broker ang mapipilitang magsarado. Ang resuta nito, libo-libong mga manggagawa nila ang makakasama sa magiging unemployed nang dahil sa no flexibility ng customs.
Arnold Atadero