Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aljur, sobrang nai-insecure kay Alden kaya aalis ng GMA (Mas pinapaboran din daw kasi si Alden…)

072614 alden aljur

ni Roldan Castro

PUMUPUTOK ngayon ang tsikang may lihim na selos si Aljur Abrenica sa treatment ng GMA Artist at ng network kay Alden Richard samantalang nauna naman daw siya. Naunahan din siya ni Alden na  maging leading lady ang Primetime Queen na si Marian Rivera at ngayon naman ay co-host siya ng Songbird na si Regine Velasquez sa isang reality-talent search program.

Bagamat magkaibigan sila, how true na  nararamdam umano ni Aljur na mas pinapaboran at inaasikaso ng management ang mabait at ma-pr na  si Alden?

Kung true eto, teka lang, hindi ba tinanong ni Aljur kung ano rin ang pagkukulang niya bilang isang talent?

Actually, hindi naman siya nawawalan ng project at nagkasunod-sunod din ang serye niya na lead?

Hindi rin masisisi ang management kung bakit pinapasikat nila si Alden dahil walang attitude sa trabaho, marunong umarte, walang yabang, at hindi paimportante sa sarili. Marunong din makinig si Alden sa mga payo at criticism sa kanya. Higit sa lahat talented si Alden at may karapatan din na maging Primetime Prince ng GMA.

How true na pati sa pelikula nilang Cain at Abel daw ay mas pinaboran ang role ni Alden kaysa kay Aljur kaya hinihingi ni Aljur ang buong script? Balitang inire-revise ngayon ang script.

“Kaibigan ko po si Alden. Hindi ako puwedeng mainggit sa kapuwa ko artista. Kanya-kanyang diskarte lang naman ‘yan. Kung mas sinuwerte siya kaysa akin, that’s life. Kung ‘di ukol, ‘di bubukol,” deklara naman ni Aljur nang makausap ni ‘Nay Alfie Lorenzo.

So, saan nagmumula ang isyung nai-insecure siya kay Alden?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …