Tuesday , November 5 2024

Trike driver nangisay sa ibabaw ng bebot

 

PATAY ang isang tricycle driver nang atakehin sa puso habang nakikipagtalik sa isang babae sa loob ng isang motel sa Marikina City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Marikina City Police chief, S/Supt. Vincent Calanoga ang biktimang si Nestor Cruz alyas Erning, 45, hiwalay sa asawa, at residente ng #7 M.H. Del Pilar St., Brgy. Calumpang ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong 10 p.m. sa isang motel sa #23 Martilyo St., Brgy. San Roque, Marikina City.

Napag-alaman, nag-check-in sa nabangit na motel ang biktima kasama si Marife Julaton, 41, ngunit habang nasa kalagitnaan ng pagtatalik ay biglang nangisay si Cruz at hindi na makahinga.

Agad humingi ng tulong sa mga empleyado ng motel ang ginang at isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center si Cruz ngunit hindi na umabot nang buhay.

Ayon kay Julaton, bago sila nagtalik ay uminom ang biktima ng dalawang bote ng Robust Energy Drink.

Habang sinabi ng mga kaanak ng biktima na si Cruz ay may sakit sa puso at diabetes.

(MIKKO BAYLON)

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *