HALATANG nag-enjoy si Richard Gutierrez sa guesting niya sa Banana Split:Extra Scoop sa segment na Aquiknow and Aboonduh Tonite noong nakaraang Sabado.
Idiniin ni Richard na bagong buhay ang pagkakaroon ng 1 year-old son na si Baby Zion.
“Happy ako dahil si Baby Zion eh, nandiyan na. Naipakilala ko na sa mga tao, so bagong buhay na. Masarap pala ‘yung pakiramdam na may baby ,” aniya.
“Ang sabi nila ang sarap talaga ng pakiramdam na maging tatay. Pero ibang klaseng saya pala talaga, iba ‘yung joy,” bulalas pa niya.
Sinabi rin ni Richard na willing siyang magkaroon ng pelikula with Angelica Panganiban ‘pag nagkaroon ng offer ang Star Cinema.
Tsuk!