Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piolo, pinayagang mag-artista ang anak pero pag-aaral dapat ang priority

00 SHOWBIZ ms mHINDI itinago ni Piolo Pascual na medyo may pagka-stage father siya pagdating sa kanyang anak na si Inigo. Very protective rin siya rito dahil minor pa raw ang binata na ang edad ay 16 pa lamang.

Pero very proud siyang makasama si Inigo para maging ambassador ng Sun Life Financial. Pero, hindi naman niya tinanggap ang offer na magsama sila sa isang serye dahil gusto niyang unahin ni Inigo ang pag-aaral at tapusin ang high school.

Hindi rin napigilan ni Piolo na maging member ng isang boy band sa United States si Inigo.

“I can never be more proud kasi nakita ko talaga na gusto niya ‘yung ginagawa niya. Hindi siya ‘yung tipo na nahihiya o napipilitan. Kumbaga siya pa ‘yung mas excited,” pagbabalita ni Piolo.

071514 PIOLO INIGO
“The second round of the auditions, they’re asking some other boys because they want them side by side with Iñigo. Kumbaga Iñigo is not auditioning anymore; parang pipili na lang sila ng pwedeng i-pair sa kanya,” kuwento pa ng aktor.

At dahil ukol sa Sunlife Financial ang presscon, naikuwento rin ni Piolo na nakaimpok sa bangko ang mga kinikita na ni Inigo.

Sa Sunlife, gumawa ng MTV ang mag-ama at doon napansin naming na mas magaling kumanta at mas may boses ang anak. Sa edad 16, may brilyo ang boses nito at maganda pa ng vibrato.

Nang sinabi iyon kay Piolo, buong ningning naman niyang tinanggap ang obserbasyon ng entertainment press at sinabing hindi naman daw niya ilalabas ang anak niya kung walang talent at okey lang na mas better version niya si Inigo.

Iginiit din niyang hindi siya papayag kung ilalabas niya ang bata na dehado.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …