ni Roldan Castro
ANG taray naman pala ni Rocco Nacino dahil sa Eiffel Tower, Paris siya nag-set ng dinner para makuha ang matamis na oo ni Lovi Poe. May effort talaga at sosyal, ‘di ba? Kahit sino sigurong babae mapapa-oo ‘pag ganyan naman ang diskarte sa pagsungkit ng oo.
Mukhang ramdam na ramdam ni Lovi ang pagmamahal at sensiridad ni Rocco kaya nawala ang image ni Lovi na Denial Princess. Buong ningning niyang inamin ang kanilang relasyon na never niyang ginawa sa mga nagdaan niyang relasyon.
Dahil dito, mukhang laging ganado si Lovi sa pagte-taping dahil happy ang lovelife niya.
Talbog!