Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, naranasang maputulan ng koryente noon

ni Roldan Castro

MASUWERTE sa career si Daniel Padilla dahil maka-pamilya. Nandoon ‘yung hangarin niya na bigyan ng ginhawa ang kanyang ina—si Karla Estrada at mga kapatid.

Nakita naman talaga ‘yung pagpupurisige ni Karla na mabuhay sila at ipangutang ang pang-tuition nila noong araw.

Pero ngayon donyang-donya na si Karla. Nakapagpatayo pa si Daniel ng magarang bahay para sa kanila.

Hindi mo iisipin na noon ay na-experience nila na  maputulan ng koryente dahil kinapos sa pambayad. Isa ito sa rebelasyon ni DJ sa Star Studio, July edition. Nakita raw niya sa kuwarto na pawisan si Karla at pinapaypayan ang mga kapatid niyang sina Magui at Lelay.

Nagdasal daw si Daniel noon na tulungan siya at ayaw na niyang ma-experience ng mga kapatid niya ang ganoon.

Tingnan mo naman, pinagpapala ang career ni DJ dahil mabuti siyang anak at kapatid. Sana lalo pa siyang suwertehin at tangkilikin ang bago niyang pelikula na She’s Dating The Gangster with Kathryn Bernardo na showing sa July 16.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …