Tuesday , November 5 2024

62-anyos kano todas sa Samurai

070714_FRONT

NAPATAY sa saksak ng isang Samurai ang 62-anyos American national ng isang 29-anyos lalaki sa Makati City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Makati City police chief Sr. Supt. Manuel Lukban ang biktima na si Robert Trotter ng 2963 General del Pilar St., Brgy. Bangkal.

Namatay noon din si Trotter sanhi ng malalim na saksak ng samurai sa katawan habang arestado ng mga nagrespondeng barangay at alagad ng batas ang suspek na kinilalang si Gerald Gelera ng 5051 Malolos St., Brgy., Olympia, Makati City.

Ayon sa pulisya , dakong 9:00 ng gabi nang mangyari ang insidente sa 4th floor ng isang condo sa Makati city.

Sa pahayag ng saksing si Dennis Ancajas, 24, isang construction worker, nasa ground floor siya nang nakarinig ng sigaw mula sa itaas ng condo kaya dali-dali niyang pinuntahan upang tingnan.

Nang makarating sa lugar, nakita niya ang suspek na sinasaksak ang biktimang si Trotter kaya agad siyang umalis upang humingi ng tulong.

Agad nagresponde ang mga pulis at Barangay kaya nadakip ang suspek na si Gelera.

Nakuha ng pulisya mula sa pag-iingat ng suspek ang 2 tooter, tatlong stick ng marijuana at Samurai.

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang dahilan o motibo ng suspek sa pagpaslang sa biktima.

Nakapiit sa Makati city police detention cell ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

ni Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *