ni Roldan Castro
HABANG nagliliwaliw kami sa Cambodia, lahat ng tuk tuk driver na nasasakyan namin, staff sa hotel at spa, waiter at waitress ng resto na kinakainan namin ay tinatanong ng kabigang Rodel Fernando kung kilala ba nila ang Presidente ng Pilipinas lalo na ‘pag tinatanong nila ang nationality namin?
Pero sad to say si Manny Pacquiao ang kilala nila ‘pag binabanggit na nanggaling kami sa ‘Pinas. Hindi matatawaran ang popularidad ni Pacman sa Cambodia bilang champion ng boxing.(‘Di ba kahit sa Bangkok naman si Pacman din ang kilalang-kilala?—ED)
Sa napagtanungan namin ay isa lang ang nakakakilala kay PNoy ay hindi pa niya maalala ang buong pangalan nito kundi ang huling apelyido raw nito at magtatapos sa no.
Talbog!