ni Roldan Castro
HINDI kaya pampromo lang ang rebelasyon ni Arjo Atayde na matagal na niyang type si Alex Gonzaga na magkatambal ang dalawa sa bagong teleserye ng Dos na Pure Love? Magsisimula na ito sa July 7.
Natotorpe raw si Arjo at dahil laging sinasabi ni Alex na the door is closed, maghihintay raw na maging open. Hindi rin kasi vocal person si Arjo kaya hindi alam ni Alex na matagal na siyang bet ng actor.
Marami pa ang puwedeng mangyari kina Arjo at Alex dahil posible talagang madevelop sila dahil matagal silang magsasama sa taping.
”Once she gives me a hint na parang she’s okay, then I’ll really go for her,”deklara pa ni Arjo.
Hintayin natin ‘yan at kung ‘Pure Love’ nga ba talaga ang nararamdaman niya,huh!
Pasok!