ni Roldan Castro
PAGKATAPOS umamin ni Sarah Geronimo sa relasyon nila ni Matteo Guidicelli, usap-usapan ngayon na parang nagpalitan lang sila nina Gerald Anderson at Maja Salvador.
Dati ay magkarelasyon sina Matteo at Maja, si Sarah naman ay na-link kay Gerald.
Tulad nina Sarah at Matteo, gusto rin nina Gerald at Maja na maging pribado ang relasyon nila. Hangga’t maaari ay maging personal level lang. Hangga’t maaari gusto nilang iwasan na magkasama sa work. Napag-usapan na raw nila ni Maja. Mas gusto raw nila na tahimik lang at mas maayos.
Tsuk!