ni Roldan Castro
HINDI makakalimutan ng isang sikat na female singer sa buong singing career niya ang nangyaring concert sa Germany ilang taon na ang nakaRaraan. Super nilangaw umano ang show niya kahit kasikatan niya noon sa ‘Pinas.Binoykot daw ng mga Filipino ang show ng singer-actress dahil sa kayabangan ng producer na German at may asawang Pinay. Ipinamukha ng produ na hindi nila kailangan ang tulong ng mga asosasyon ng mga Filipino dahil sikat daw ang dala nilang artista.
Ang ending wala pa umano sa 200 ang nanonood sa concert ng sikat na female singer.
Nakabawi na lang daw ito at tinao noong mag-concert siya sa Belgium.