Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

All-star cast sa piitan ng Camp Crame

Hindi lang pang Box Office kundi maituturing na ring pang Guiness Book of World Records na rin kung ang pag-uusapan lang ay mga nagkikinangang BITUIN na ipipiit sa PNP Custodial Center ng Kampo Crame. Alam naman natin na mga dating sikat na bituin sa pinilakang tabing sina Senador Denggoy Estrada at Alias Pogi Revilla bago sila pumasok sa daigdig ng PUTIK, este pulitika. Kasama pa si Manong Johnny Enrile aba eh all-star cast na nga ang REALITY SHOW  na “SA HAWLA NI KUYA”. He-he-he.

Bukod sa tatlong hebigat na personalidad alam ninyo bang namumutiktik sa BITUIN ang Custodial Center? Dito rin kasi nakapiit ang i-lang STAR-RANK retired officers ng PNP na sabit sa V-150 armored personnel carrier supply scam sa pangunguna ni dating PNP chief Avelino Razon. Kasama niya ang mga may ESTRELYA din sa balikat noon na sina General Geary Barias at Eliseo dela Paz. Nagniningning ang Camp Crame sa dami ng stars doon. Tsk. Tsk. Tsk.

Bukod din sa kanila, naroon din ang mag-asawang komunistang sina Benito at Wilma Tiamzon at ang dating pulis na si Rizal Alih na ginawan pa ng pelikula noong dekada 80. Ayon kay PNP-PIO chief Artie Sindac, marami pang mga “sikat” na nakakulong doon pero hindi maa ring pangalanan.

Dagdag pa ni General Sindac, hindi naman daw makakapag-usap ang mga senador at heneral dahil magkahiwalay ang mga selda nila. Dahil mas sikat ang tatlong mambabatas na sabit sa Pork Barrel scam, mas magaganda ang kanilang bagong bahay. Ang mga heneral ay nagkakasya diumano sa isang kuwarto kada apat na inmate.

Napakasakit pakinggan na ang mga dating tinitingalang bituin at ginagalang ay nakakulong ngayon. Pero ganun talaga ang realidad ng buhay. Suwerte na rin sila dahil sa kabila ng laki ng kuwartang umano’y nilustay nila, masarap pa rin ang kanilang sitwasyon. Yun kasing mahihirap na snatcher ng cellphone, at mandurukot sa lansangan kadalasan ay sinasalvage na lang para makatipid sa pagkain ng preso.

Teka, paano na ang singing career ni Alias Pogi? Bawal daw ang videoke sa loob kaya’t hi ling na lang ng tatlong senador ay HOUSE ARREST. House? Don’t worry madami rin pong maaaresto sa HOUSE. HOUSE OF REPRESENTATIVES. Magsama-sama kayong lahat diyan.

Ang aking payo sa kanila, tumakbo na lamang sila sa pagkapresidente at bise presidente sa 2016 sa ilalim ng PARTIDO SIGUE-SIGUE SPUTNIK o PARTIDO BATANG CITY JAIL.

Madami botanteng preso.

Joel M. Sy Egco

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joel M. Sy Egco

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …