Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Senswal na chocolate scene nina Bea at Paulo, nag-trend worldwide sa Twitter

ni Maricris Vadlez Nicasio

MAINIT na pinag-usapan ng sambayanan ang pinakabagong primetime drama series ng ABS-CBN na Sana Bukas Pa Ang Kahapon na pinagbibidahan ng Movie Queen ng bagong henerasyon na si Bea Alonzo. Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media noong Lunes (Hunyo 16) na pumalo ang pilot episode sa national TV rating na 21.7%, o mahigit doble ng nakamit ng katapat nitong programa sa GMA na Ang Dalawang Mrs. Real (10.4%).

Naging mainit na usapin sa netizens ang mga nakakikilig at senswal na eksena ng mga karakter na sina Rose (Bea) at Patrick (Paulo Avelino), kabilang ang detalyadong usapan ng dalawa tungkol sa paggawa ng tsokolate. Dahil dito, naging worldwide trending topics sa microblogging site na Twitter si Paulo at ang hashtag na #SBPAKWhenRoseMetPatrick.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng magkaugnay na buhay nina Rose at Emmanuelle sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon gabi-gabi pagkatapos ng Ikaw Lamang sa ABS-CBN Primetime Bida.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …