Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maja, sinuwerte nang maging BF si Gerald!

ni Maricris Vadlez Nicasio

AMINADO si Maja Salvador na malaking blessings sa kanya ang boyfriend na si Gerald Anderson. Paano’y simula nang maging sila (mahigit na raw silang isang taong mag-on), nagkasunod-sunod na ang magagandang project sa aktres. Kumbaga, lalo siyang sinuwerte nang maging BF si Gerald!

Tulad ng katatapos na The Legal Wife na sobra-sobrang papuri ang natanggap niya dahil sa napakagandang pagganap niya bilang si Nicole. After this ay isang serye muli ang gagawin niya na bagamat ayaw pa niyang sabihin kung sino-sino ang makakasama at kung anong tema nito, tiniyak ng aktres na malalaking artista ang makakasama niya.

“Napakasuwerte ko na makasama sila sa isang serye. Bigtime para sa akin na makasama sila at napakalaking challenge for me,” ani Maja sa presscon ng kanyang nalalapit na concert, ang Maj, The Legal Performer sa July 12, sa Music Musem.

“Si Gerald, malaking blessings talaga siya sa akin. Simula nang dumating siya sa buhay ko, marami na akong blessings na natanggap,” giit pa ni Maja.

Sa kabilang banda, aminado naman si Maja na hindi siya isang diva singer, “hindi pang diva boses, ko arte lang,” anito na nagparinig ng isang awitin na may pagka-sensual ang kanyang pagkakakanta.

Napatunayan na ni Maja na isa siyang magaling na aktres kaya naman naisip niyang maghandog ng isang concert sa kanyang fans para ipakita ang naiibang side ng isang Maja Salvador.

“Napaka-suwerte ko na nabigyan ako ng chance na mag-perform.

Sa nine years ko in this business, gusto ko namang mag-offer ng iba sa fans. Siyempre ‘yung mga kakantahin ko sa concert ko ‘yung bagay sa boses ko. May mga Madonna song, may Jaya medley. And of course, live band ang gagamitin ko,” masayang pagkukuwento pa ni Maja.

Magiging special guest ni Maja sa kanyang Maj The Legal Performer concert, sina Rayver Cruz, Enchong Dee, Enrique Gil, at Piolo Pascual. This will be a pure entrainment with echilarating performances , one after another. Ididirehe ito ni Mr. Johnny Manahan at si Marvin Querido naman ang kanyang musical director.

“Finally, Isa sa mga pangarap ko ang makapag-perform sa Music Museum. Happiness ko ang ma-entertain at mag-perform para sa inyo,” sambit pa ni Maja sa kanyang Instagram account na @iammajasalvador.

Balita namin, sold out na ang tiket sa konsiyerto ng aktres na hatid din ng Robinsons Communities, Ivana, jet 7 Bistro, Khaleb Shawarma, Ombu Restaurant, 10 Inc Lights & ounds, Chalk Magazine, MYX, Star Studio Magazine, ASAP 19, Push.com, Ivory Records, at Sound Check Manila, Petit Monde, at Gold’s Gym.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …